Lalaki sinalvage, ibinigti sa puno
June 22, 2003 | 12:00am
Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakabigti sa isang puno, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakasuot lamang ng brown na shorts at nababalutan ng pulang t-shirt ang mukha ng biktima na tinatayang nasa gulang 30-35 at may taas na 53 hanggang 55 nang matagpuang nakabigti ng nylon cord sa puno ng acacia sa #44 Sauyo Road, Novaliches ng nabanggit na lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Fedencio Basibas ng CPD dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga nagpapatrulyang tanod ang nakabiting biktima.
Ayon sa pulisya, wala namang babalang nakalagay o nakasabit sa katawan nito na nagpapakitang gawa ito ng vigilante.
Dahil dito, posibleng personal ang motibo ng pagpatay sa biktima at hindi rin inaalis na gawa ito ng sindikato. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended