Si Ileto, isang Westpointer, ay namatay sa gulang na 82. Nabatid na si Ileto ay nagtapos ng kanyang military career sa United States Military Academy sa West Point, New York City, noong 1943.
Matapos na magbalik sa Pilipinas ng nasabi ring taon ay na-commissioned si Ileto bilang 2nd Lt ng Phil. Army.
Nabatid na mula 1975 hanggang 1978 ay nagsilbi si Ileto bilang Armed Forces Vice Chief of Staff sa panahon ng Martial Law sa ilalim ng diktaduryang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Habang aktibong nagseserbisyo sa Phil. Army ay inorganisa ni Ileto ang elite Scout Ranger Battalion noong 1951.
Noong 1986 matapos magretiro si Ileto sa military service ay itinalaga naman ito ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang Defense Secretary kapalit ni dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile.
Si Ileto ay naglingkod bilang Defense Secretary hanggang 1998 at pinalitan naman ni Fidel Ramos na naging pangulo rin ng Pilipinas noong 1992.
Ang labi ni Ileto ay nakalagak ngayon sa Camp Aguinaldo kung saan ito bibigyan ng military honors bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa AFP at Defense Department. (Ulat ni Joy Cantos)