^

Metro

Ex-Defense Secretary Ileto patay na

-
Sumakabilang-buhay na si dating Defense Secretary Rafael Ileto sanhi ng cardiac arrest habang ginagamot sa Philippine Heart Center’s Emergency Section, ang pagpanaw ni Ileto ay dakong alas-6 ng umaga pero maliban dito ay tumanggi na ang mga itong magbigay ng karagdagang detalye.

Si Ileto, isang Westpointer, ay namatay sa gulang na 82. Nabatid na si Ileto ay nagtapos ng kanyang military career sa United States Military Academy sa West Point, New York City, noong 1943.

Matapos na magbalik sa Pilipinas ng nasabi ring taon ay na-commissioned si Ileto bilang 2nd Lt ng Phil. Army.

Nabatid na mula 1975 hanggang 1978 ay nagsilbi si Ileto bilang Armed Forces Vice Chief of Staff sa panahon ng Martial Law sa ilalim ng diktaduryang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Habang aktibong nagseserbisyo sa Phil. Army ay inorganisa ni Ileto ang elite Scout Ranger Battalion noong 1951.

Noong 1986 matapos magretiro si Ileto sa military service ay itinalaga naman ito ni dating Pangulong Corazon Aquino bilang Defense Secretary kapalit ni dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile.

Si Ileto ay naglingkod bilang Defense Secretary hanggang 1998 at pinalitan naman ni Fidel Ramos na naging pangulo rin ng Pilipinas noong 1992.

Ang labi ni Ileto ay nakalagak ngayon sa Camp Aguinaldo kung saan ito bibigyan ng military honors bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa AFP at Defense Department. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES VICE CHIEF OF STAFF

CAMP AGUINALDO

DEFENSE DEPARTMENT

DEFENSE SECRETARY

DEFENSE SECRETARY JUAN PONCE ENRILE

DEFENSE SECRETARY RAFAEL ILETO

EMERGENCY SECTION

FIDEL RAMOS

ILETO

JOY CANTOS

SI ILETO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with