2 obrero nakuryente, patay
June 19, 2003 | 12:00am
Mistulang dalag na nagkikisay matapos na makuryente sa isang high-tension wire ng Manila Electric Company (Meralco) ang dalawang obrero habang gumagawa ng building kahapon ng tanghali sa Caloocan City.
Agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng malakas na boltaheng pumasok sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Eddie Lopez, 40, at Danny Ayembre, 38, kapwa ng Caloocan.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang ginagawang gusali na pag-aari ng isang Felipe Agat na matatagpuan sa Tullahan Road ng nasabing lungsod.
Abala umano sa pagtatrabaho ang dalawa hanggang sa mapadikit sa high tension wire ang inaakyat na kahoy ng isa sa mga ito.
Dahil sa basa ang katawan at kahoy ay agad na gumapang ang kuryente sa katawan ni Lopez at pagbagsak nito ay nadikit naman sa kasamahang si Ayembre.
Agad na nanigas ang dalawa at dahil naman sa takot ng mga kasamahan nito ay hindi na nagawa pang dalhin sa pagamutan ang dalawa. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended