^

Metro

2 nangongotong kay Sen. Revilla, timbog

-
Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating office staff ni Senator Ramon Revilla at isa pang kasabwat nito sa isinagawang entrapment operation makaraang tangkaing kotongan ang nabanggit na senador ng halagang P700,000 kapalit ng pananahimik sa nalalamang konpidensiyal na impormasyon.

Ang mga suspect na prinisinta kahapon sa tanggapan ng NBI ay nakilalang sina Jacqueline Gaspay-Dominguez, 29, at Michael Mila, 28, kapwa naninirahan sa 107-I Flores St., Malibay, Pasay City.

Sa ulat ng NBI-Special Action Unit, humihingi ng tulong para sa imbestigasyon noong nakaraang Hunyo 10 ang opisina ni Senator Revilla ukol sa hindi kilalang texter na nagsasabing may nalalamang confidential information na siguradong magpapabagsak sa senador.

Ipinadala nito ang mensahe sa isang staff member na si Jerry Panela kung saan sinabi nitong mananahimik lamang siya kapag nagbayad sa kanya ng halagang dalawang milyon.

Sinabi ni Panela na nilaro niya at nakipagtawaran siya sa suspect hanggang sa maibaba ang presyo sa P700,000. Napagkasunduan na isasagawa ang bayaran sa isang kilalang eatery sa Roxas Boulevard sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng hapon kamakalawa.

Lingid sa kaalaman ng suspect isang bitag ang inihanda laban sa kanila.

Nabatid na mabilis na lumapit ang isang lalaki kay Panela at kinuha ang isang envelope. Mabilis itong lumabas ng naturang kainan at sumakay sa isang naghihintay na taxi.

Mabilis namang hinarang ng mga operatiba ang naturang taxi kung saan naabutan si Dominguez na binibilang ang pera at boodle money.

Mabilis na dinakip ang mga ito at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

I FLORES ST.

JACQUELINE GASPAY-DOMINGUEZ

JERRY PANELA

MABILIS

MICHAEL MILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

SENATOR RAMON REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with