Ayon kay Domingo, inatasan na nito ang mga abogado ng BI na sina Gary Mendoza, chief ng Immigration Regulation Division at Arvin Santos, head ng BI special task force, na magtungo sa UAE upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng mga OFWs.
Makikipag-ugnayan sina Mendoza at Santos sa Philippine consulate ng Abu Dhabi sa isasagawang imbestigasyon, kung saan ay personal na kakapanayamin ang mga nagrereklamo at diringgin ang kanilang mga hinaing laban sa ilang BI officials para isumite naman kay Domingo ang ulat na resulta ng imbestigasyon, kalakip ang kanilang rekomendasyon sa pagbabalik sa bansa.
Ang direktiba ni Domingo ay nag-ugat mula sa napalathalang news item kaugnay ng alegasyon ng grupo ng mga OFWs na binansagang Bagong Bayani Lakas ng Bayan (Bayaniksan) na ilang BI personnel sa NAIA ay nanghihingi umano ng salapi bilang "padulas" para makaalis ang mga contract workers sa kabila ng kumpletong mga travel documents. (Ulat ni Butch Quejada)