^

Metro

Klase sa public schools sa Malabon sinuspinde dahil sa baha

-
Sinuspinde kahapon ng lokal na pamahalaan ng Malabon City ang pasok sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha dala ng bagyong si Egay.

Ayon kay Malabon Mayor Amado "Boy" Vicencio, mananatiling suspendido ang klase habang hindi pa bumababa ang tubig baha sa kanilang lugar. Ito’y upang maiwasan ang anumang sakuna, sakit at dadanasing hirap ng mga mag-aaral partikular na ang mga nasa elementarya.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos dalawang dipa ang lalim ng tubig-baha sa Malabon sa patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan bukod pa sa pagtaas ng tubig dala ng high tide.

Nabatid pa kay Vicencio na mahigit sa 15,000 mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa kanyang nasasakupan ang naapektuhan ng pansamantalang suspensyon ng klase.

Sa kaso ng mga pribado, binanggit ni Vicencio na ang mga school administrator at principal ang magdedesisyon tungkol dito, bagamat kinakailangan pa rin umanong ipaalam sa lokal na pamahalaan anuman ang kanilang magiging hakbang. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

EGAY

MALABON

MALABON CITY

MALABON MAYOR AMADO

NABATID

ROSE TAMAYO

VICENCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with