Rallyists vs Justices binalaan
June 18, 2003 | 12:00am
Binalaan kahapon ng Korte Suprema ang mga miyembro ng Peoples Movement Against Poverty (PMAP) hinggil sa pagsasagawa ng mga ito ng kilos-protesta sa harapan ng bahay ng ilang mahistrado.
Ayon kay SC Spokesman Atty. Ismael Khan, maaaring sampahan ng kaukulang kaso ang mga nasabing raliyista dahil sa ginagawang pambubulabog ng mga ito sa bahay ng mga mahistrado na kinabibilangan nina Chief Justice Hilario Davide at Associate Justice Artemio Panganiban.
May 100-miyembro ng PMAP ay iniulat na sumugod sa harap ng bahay ni Davide sa Don Antonio Heights sa Quezon City at sa bahay ni Panganiban sa City Land, Dela Costa Subdivision sa Makati.
Nagsagawa rin ang mga ito ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Davide-Carpio Law Office kung saan sinabi ng mga ito na walang karapatan ang dalawa na magkaroon ng nasabing tanggapan dahil sa hindi makatuwirang pagbibigay ng hustisya partikular sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi ni Khan na hindi dapat mangahas ang mga raliyista sa pagsasagawa ng mga kilos-protesta sa harapan ng bahay ng nasabing mga mahistrado kung ang mga itoy walang kaukulang permiso.
Aniya, nilalabag ng mga raliyista ang right of privacy ng dalawang mahistrado sa pagsasagawa ng maingay na protesta sa harapan ng bahay ng mga ito.
Isinigaw ng PMAP na dapat lamang magbitiw ang mga mahistrado ng Supreme Court dahil sa hindi pantay at makatuwirang pagbibigay ng hustisya.
Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Simeon Datumanong na dapat magkaloob ang PNP ng seguridad sa tanggapan ng SC at sa bahay ng mga mahistrado.
Aniya, malaki ang kinakaharap na panganib ng ilang mahistrado kung kayat marapat lamang na mabigyan ang mga ito ng seguridad.
Samantala, nakahanda naman umano ang PNP na magkaloob ng seguridad sa mga mahistrado kasabay nang pagsasabing mahigpit nilang ipatutupad ang no permit, no rally policy.
Sa kabilang dako, umalma ang Malacañang sa ginawang pagsugod ng mga supporters ni Erap sa bahay ng mga mahistrado na kabilang sa sinampahan ng impeachment complaint ng dating Pangulo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na sobra na ang ginawang hakbang na ito ng mga kaalyado ni Erap dahil sa isa itong panghihimasok sa pribadong lugar.
Dapat anya na irespeto ang privacy ng tao kasabay nang paggigiit na hindi naman isang pampublikong lugar ang pinasok ng mga supporters ng dating Pangulo. (Ulat nina Grace dela Cruz, Joy Cantos, Ely Saludar at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended