Ginang niratrat ng mga kapitbahay,dedo
June 17, 2003 | 12:00am
Isang 24-anyos na ginang ang nasawi, habang tatlo pa nitong kapitbahay ang nasa kritikal na kondisyon matapos na paulanan ng bala ng baril ng kanilang mga kapitbahay dahil sa umanoy pag-aagawan sa lupa, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Namatay noon din ang ginang na si Jennifer Lachica, ng Package 10, Block 51, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang tatlo pang biktima na sina Norberto Duterte, 51; Leopoldo Lima, 29; at Michelle Hormal, 23, na ginagamot naman sa National Orthopedic Hospital.
Nadakip naman ang mga suspect na sina Benedicto Acosta, 45; Melchor Lagda, 35; Jaime Magdaong, 23; Jose Berna, 35; Abet Orque, 36; Raul Jornales, 43; at Yolanda Jornales, 42, pawang mga kapitbahay ng mga biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Raymundo Listangco, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-5:40 ng hapon sa harap mismo ng bahay ng nasawi.
Ayon pa sa ulat, kasalukuyan umanong nagkukuwentuhan ang mga biktima nang dumating ang mga lasing na suspect na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril.
Napag-alaman pa na pinagigiba ng mga suspect ang bahay ng nasawi sa naturang lugar para sila naman ang gumamit subalit tumanggi ang huli hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong pa nga upang paulanan ng pagpapaputok ng baril ng mga suspect ang grupo ng ginang.
Mabilis naman ang ginawang pagresponde ng mga awtoridad at nadakip ang mga suspect. Nasamsam sa mga ito ang matataas na kalibre ng baril tulad ng armalite rifle; Thompson, cal.45 pistol at sumpak.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na agawan sa lupa ang motibo ng naganap na krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended