Lalaki pinagbabato hulog sa ilog, lunod
June 15, 2003 | 12:00am
Isang lalaki na nangunguha ng tahong ang nalunod makaraang tamaan ng bato sa ulo ng pagtripang batuhin ng grupo ng kalalakihan kamakalawa sa lungsod ng Pasig.
Ang biktima na kinilalang si Alfredo Flores, 42, ng Narra St., Centennial 2 AIMNAI, Brgy. Nagpayong ng nasabing lungsod ay nalambat ng mga miyembro ng Bantay Bayan sa ilog Pasig nang lumutang ang bangkay nito dakong als-8 ng gabi.
Nauna rito, dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa habang nangunguha ng tahong ang biktima kasama ang mga kaibigan nitong sina Jade Columnar at Jesus Castro sakay ng bangka sa Brgy. Napindan sa Taguig nang bigla na lamang silang pagbabatuhin ng limang hindi kilalang lalaki.
Agad na nakatalon sina Columnar at Castro subalit bago makatalon ang biktima ay nakita ng mga nabanggit na kasamahan nito na natamaan ng malaking bato ito sa ulo at nahulog sa ilog mula sa bangka.
Nang magpakalayo ng langoy sina Columnar at Castro at umahon ay hindi na nakita pang lumutang ang biktima kaya agad nila itong ipinagbigay-alam sa pulisya. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest