Chinese trader kinidnap
June 15, 2003 | 12:00am
Dinukot ng tatlong armadong lalaki ang isang 63-anyos na Chinese businesswoman habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Marcelino Franco ang biktima na si Aurora Yu, residente ng 7th Ave. panulukan ng J. Teodoro St., ng nasabing lungsod.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-11:10 ng umaga nang harangin ng dalawang armadong suspect ang biktima habang sakay ng isang Toyota Altis na may plakang XBM-117 sa panulukan ng 6th Avenue cor. Ma. Clara St.
Nabatid na ang biktima ay may-ari ng isang establisimiyento na nagbebenta ng mga office at school supplies sa nasabing lugar.
Ayon kay Franco, hindi pa nila mabatid ang motibo sa pagdukot sa biktima dahil sa wala pang natatanggap na impormasyon at tawag ang pamilya Yu mula sa mga kidnappers.
Patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang pulisya upang matunton at mailigtas ang biktima sa mga kamay ng mga suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended