^

Metro

Sis ni Dyan Castillejo, sugatan sa aksidente

-
Nasugatan ang isang aktres na kapatid ng dating tennis superstar na ngayon at TV host ng ABS-CBN matapos bumangga ang sinasakyan nito sa isang truck, kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), Muntinlupa City.

Bahagyang sugat lamang sa kamay ang natamo ng biktima na nakilalang si Jackie Castillejo, 40, nakatira sa BF Homes, Parañaque City, kapatid ni Dyan Castillejo, na host ng ‘Sports Unlimited’.

Ayon sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng SLEX sa may Susana Heights, Brgy. Bayanan.

Nabatid na minamaneho ni Castillejo ang kanyang kotseng Nissan Sentra pauwi sa kanilang bahay sa Parañaque City.

Na-flat umano ang gulong sa likuran ng kotse ng biktima at hindi nito nakontrol ang preno kaya mula sa south-bound, napatawid ito sa north-bound.

Paparating naman noon ang isang truck na minamaneho ni Ferdinand Sison, 28, nakatira sa Panique St., Caloocan City.

Mabuti na lamang at nakita kaagad ng driver ang sasakyan ng biktima at dahan-dahan nitong inihinto ang kanyang truck kung kaya’t bahagya lamang ang pagkabangga nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

DYAN CASTILLEJO

FERDINAND SISON

JACKIE CASTILLEJO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

NISSAN SENTRA

PANIQUE ST.

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with