Tsinoy nagbaril sa sarili dahil sa negosyo

Pinaniniwalaang may kinalaman sa bumabagsak na negosyo ang isa sa dahilan nang pagpapakamatay ng isang Fil-Chinese na naglasing muna bago nagbaril sa sarili kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nasawi noon din si Johnny Co, 29, ng #6 Austria St., Better Living Subdivision, Barangay Don Bosco ng nabanggit na lungsod bunga ng isang tama ng bala ng baril sa kanang sentido.

Bago maganap ang pagpapakamatay napag-alamang nakipag-inuman muna ang suspect sa ilan niyang kaibigan.

Dakong alas-3 ng madaling-araw ng umuwi na lasing na lasing ang biktima at nagtuluy-tuloy ito sa comfort room ng bahay.

Ilang sandali pa ay narinig na ang isang malakas na putok ng baril at nang tingnan ng kanyang hipag na si Ramonita ay nakita nitong nakahandusay at duguan na si Co. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments