^

Metro

Mayor Tiangco tinaningan ng Ombudsman

-
Sampung araw ang ibinigay na palugit ng Office of the Ombudsman kay Navotas Mayor Tobby Tiangco upang sagutin nito ang isinampang kaso ng pamamaril na isinampa laban sa kanya ng isang taxi driver, apat na buwan na ang nakalilipas.

Batay sa dalawang pahinang kautusan na ipinalabas ng Ombudsman sa pamamagitan ni Director Jose T. de Jesus, inatasan nito si Tiangco na maghain ng counter-affidavit upang sagutin ang alegasyon laban sa kanya ni Manuel Padua III, taxi driver, ng #22 Padilla St., San Jose, Navotas.

Sa ilalim ng kautusan, nakasaad na hindi tatanggap ang Ombudsman ng ‘Motion to dismiss o bill of particulars’ mula sa alkalde upang maibasura ang reklamo dahil kailangan umanong sagutin ni Tiangco ang reklamo laban sa kanya.

Sa sandaling mabigo umano si Tiangco na maghain ng counter-affidavit sa loob ng nasabing palugit ay aalisan na siya ng karapatan na makapagsumite ng kanyang controverting evidence’.

Ang kaso ay nag-ugat makaraang ireklamo ni Padua ang alkalde sa salang pamamaril sa kanya.

Naganap umano ang insidente noong Peb. 6, 2003 matapos na magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa trapiko sa M. de Vera St. sa Navotas dakong alas-3:30 ng hapon habang nagmamaneho ng taxi ang biktima.

Ayon kay Padua, pinagbigyan naman niya ang Pajero ni Tiangco subalit pagdating sa kanto ng Tres at Naval St. ay pinagbabaril pa siya ng alkalde. (Ulat ni Rose Tamayo)

DIRECTOR JOSE T

MANUEL PADUA

NAVAL ST.

NAVOTAS

NAVOTAS MAYOR TOBBY TIANGCO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PADILLA ST.

PADUA

ROSE TAMAYO

TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with