^

Metro

US visa consultant tiklo sa kotong

-
Inaresto ang isang US Visa Consultant matapos itong ireklamo ng isang babae na kanyang pinangakuan na ikukuha ng US visa kapalit ng P260,000 bayad sa isinagawang entrapment operation, kahapon sa Caloocan City.

Nakakulong at nahaharap sa kasong estafa ang suspect na si Ranel Tiglao, ng 4239 Diam St., Karuhatan, Valenzuela.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:20 ng hapon nang arestuhin ang suspect sa loob ng isang restaurant sa ground floor ng Gotesco Grand Central na nasa J.P Rizal Ext., Caloocan City.

Nabatid na bago ang pag-aresto, noong nakalipas na Mayo 27 at Hunyo 9 ay nagpunta ang suspect sa bahay ng isang nagngangalang Eloisa Capati ng Josefina St., ng nabanggit na lungsod at pinangakuan ang huli na bibigyan ng US visa kapalit ng nasabing hinihinging halaga.

Dahilan sa kagustuhan na makakuha ng visa ay agad namang nagtiwala si Capati sa suspect kung saan nagbigay umano ito ng paunang bayad sa suspect.

Ilang araw pa ang lumipas ay muli umanong nanghingi ng pera ang suspect subalit nagduda na si Capati kung kaya humingi na ito ng tulong sa Caloocan police na agad namang nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CAPATI

DIAM ST.

ELOISA CAPATI

GOTESCO GRAND CENTRAL

JOSEFINA ST.

P RIZAL EXT

RANEL TIGLAO

ROSE TAMAYO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with