Binanggit pa ng mayor na hindi umano niya kaya na makita sa kulungan ang aktres na ina ng kanyang mga anak kaya sa halip na adultery ang isampa niya laban dito ay mas pinili niya ang annulment.
Binanggit pa nito na nagsimula na aniyang magprisinta ang prosecution ng mga ebidensiya laban sa aktres kung saan sa sala ni Judge Helen Bautista-Ricafort ng Parañaque City Regional Trial Court, Branch 260 dinidinig ang kaso.
Nabatid pa kay Marquez na sa darating na linggo ay isasalang na siya sa witness stand upang magbigay ng kanyang testimonya sa naturang kaso.
Magugunitang si Marquez mismo ang nagharap ng annulment laban sa aktres.
Noong nakaraang taon nagkaroon ng sampalan blues sa pagitan ni Alma at Mayor Tsong na naganap mismo sa loob ng korte na kapwa naman itinanggi ng magkabilang panig subalit nasaksihan ng marami. (Ulat ni Lordeth Bonilla)