^

Metro

Ayaw makulong si Alma kaya nagsampa na lang annulment si Mayor Tsong

-
Hindi rin nais ni Parañaque City Mayor Joey Marquez na makulong ang kanyang asawa na si Alma Moreno kaya hindi nito ito kinasuhan ng adultery.

Binanggit pa ng mayor na hindi umano niya kaya na makita sa kulungan ang aktres na ina ng kanyang mga anak kaya sa halip na adultery ang isampa niya laban dito ay mas pinili niya ang annulment.

Binanggit pa nito na nagsimula na aniyang magprisinta ang prosecution ng mga ebidensiya laban sa aktres kung saan sa sala ni Judge Helen Bautista-Ricafort ng Parañaque City Regional Trial Court, Branch 260 dinidinig ang kaso.

Nabatid pa kay Marquez na sa darating na linggo ay isasalang na siya sa witness stand upang magbigay ng kanyang testimonya sa naturang kaso.

Magugunitang si Marquez mismo ang nagharap ng annulment laban sa aktres.

Noong nakaraang taon nagkaroon ng ‘sampalan blues’ sa pagitan ni Alma at Mayor Tsong na naganap mismo sa loob ng korte na kapwa naman itinanggi ng magkabilang panig subalit nasaksihan ng marami. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALMA MORENO

BINANGGIT

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

CITY REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE HELEN BAUTISTA-RICAFORT

LORDETH BONILLA

MAGUGUNITANG

MARQUEZ

MAYOR TSONG

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with