^

Metro

Suspendidong pulis, nilikida

-
Isang suspendidong pulis sa Caloocan City ang hinihinalang nilikida ng mga miyembro ng ‘liquadation squad’ ng vigilante group kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Namatay noon din sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa dibdib at mga saksak pa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si PO2 Arnel Gianan, 28, na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cooper Road, Pilar Village, Las Piñas City.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga hindi nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa kahabaan ng Baltazar Bukid St., Barangay 66, Zone 6 ng nabanggit na lungsod.

Sinabi ng pulisya na bago naganap ang insidente, una umanong nakitang nakatambay ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla na lamang lumitaw ang mga salarin na armado ng mga baril at patalim. Agad na binaril sa dibdib ang biktima at hindi pa nakuntento ang ilan sa mga ito at sinaksak din sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang pulis.

Napag-alamang si Gianan ay dating nakatalaga sa DEU sa Caloocan City police at nasangkot sa droga kung kaya pansamantalang inilipat sa Police Community Precinct 14 ngunit nasuspinde naman ito dahil sa palagiang pagliban sa tungkulin.

Ayon naman sa ilang residente sa nasabing lugar na ginagamit umano ni Gianan ang kanyang baril at tsapa sa pakikipagkoneksyon nito sa mga drug pusher kung kaya’t hinihinalang itinumba ito ng isang vigilante group na kumikilos sa nasabing lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARNEL GIANAN

BALTAZAR BUKID ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

COOPER ROAD

DRUG ENFORCEMENT UNIT

GIANAN

LAS PI

PILAR VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with