^

Metro

Lover ni misis napatay ni mister

-
Dahil sa matinding galit nagawang patayin sa saksak ng isang mister ang lover ng kanyang misis makaraang mahuli niya sa akto na magkatabing natutulog ang dalawa, kamakalawa ng madaling araw sa Makati City.

Agad namang sumuko sa pulisya ang suspect na nakilalang si Joel Abellano, 26, ng Luzon St., Barangay Pitogo ng lungsod na ito.

Samantala, ang biktima na hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Ospital ng Makati ay nakilalang si Rolando Unobia, 28, ng Valenzuela City sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 kamakalawa ng madaling araw sa #125 Luzon St., Barangay Pitogo ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nadatnan ng suspect ang kanyang misis na si Rosabella, 26, na katabing natutulog sa sala ng kanilang bahay ang biktimang si Unobia.

Nagdilim umano ang paningin ng suspect at dala ng matinding galit at selos, kumuha ito ng patalim at agad na inundayan ng saksak ang biktima.

Nabatid pa na matagal na umanong nagdududa sa kanyang misis ang suspect na may kinalolokohan itong ibang lalaki subalit wala siyang matibay na ebidensiya hanggang sa mahuli niya na magkatabi itong natutulog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PITOGO

DAHIL

JOEL ABELLANO

LORDETH BONILLA

LUZON ST.

MAKATI CITY

NABATID

ROLANDO UNOBIA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with