Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo nakumpiska mula sa mga dayuhan ang mga computer machines na ginagamit sa pagkopya ng mga CDs at VCDs at iba pang mga kahon na naglalaman ng mga piniratang CDs at VCDs.
Ibinunyag ni Domingo na nag-ugat ang pag-aresto sa mga dayuhan sa isang ulat na ipinadala sa bureau staff ng isang programa sa telebisyon ukol sa presensiya ng mga kahina-hinalang dayuhan sa mga safehouse na ni-raid.
Lima sa mga dayuhang nadakip ang natuklasang overstaying, samantalang 11 sa kanila ay pawang hindi dokumentado. (Ulat ni Grace dela Cruz at Jhay Mejias)