16 Chinese nationals timbog sa paggawa ng pekeng VCDs
June 7, 2003 | 12:00am
Labing-anim na Chinese na sinasabing sangkot sa pagmamanupaktura ng pekeng audio at video compact discs ang nasakote ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration (BI) sa isang sorpresang raid na isinagawa sa safehouse ng mga ito sa Pasay City.
Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo nakumpiska mula sa mga dayuhan ang mga computer machines na ginagamit sa pagkopya ng mga CDs at VCDs at iba pang mga kahon na naglalaman ng mga piniratang CDs at VCDs.
Ibinunyag ni Domingo na nag-ugat ang pag-aresto sa mga dayuhan sa isang ulat na ipinadala sa bureau staff ng isang programa sa telebisyon ukol sa presensiya ng mga kahina-hinalang dayuhan sa mga safehouse na ni-raid.
Lima sa mga dayuhang nadakip ang natuklasang overstaying, samantalang 11 sa kanila ay pawang hindi dokumentado. (Ulat ni Grace dela Cruz at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended