PBA Commissioner Eala gigisahin ng Senado
June 5, 2003 | 12:00am
Gigisahin ng Senado ngayon si PBA Commissioner Noli Eala kung may nilabag ba itong karapatang pantao kaugnay sa isinasagawa nitong mandatory drug-testing sa mga manlalaro ng nasabing liga.
Sisimulan ng Senate committee on public order and illegal drugs at Senate committee on games, amusements and sports na kapwa pinamumunuan ni Sen. Robert Barbers ang imbestigasyon kaugnay sa isinasagawang drug-testing ng PBA sa mga players nito.
Naghain ng isang resolusyon si Sen. Robert Jaworski na humihiling sa Senado na imbestigahan kung walang nilabag na karapatang pantao ang ginagawang mandatory drug-testing sa mga PBA players.
Sinabi ni Sen. Jaworski, all-out ang kanyang pagsuporta upang masugpo ang ipinagbabawal na gamot pero hindi naman daw siguro nararapat na ilantad pa sa publiko ang mga players na lumitaw na positibo sa drug test.
Ayon kay Jaworski, sakaling naging positibo sa drug test ang mga manlalaro ay hindi naman 100 percent na nangangahulugan na gumamit nga ito ng ipinagbabawal na gamot kaya hindi nararapat na ibandera kaagad ang kanilang mga pangalan at akusahang mga addict.
"Kawawa naman ang mga manlalarong ito na inakusahan kaagad na mga addict yun pala ay hindi naman gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, paano pa babawiin ng PBA ang nasirang mga pangalan ng mga ito," giit pa ni Jaworski. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended