^

Metro

Labi ng binatilyong nahulog sa ventilation chamber ng MWSS nakuha na

-
Nakuha na kahapon sa magkakahiwalay na lugar ang lasug-lasog ng katawan ng isang binatilyo na iniulat na nahulog sa ventilation chamber ng Manila Water sa Quezon City, tatlong linggo na ang nakakalipas.

Ayon kay SPO4 Reynato Resureccion, na dakong ala-1 ng tanghali nang makuha ang mga natirang bahagi sa katawan ni Randy Diaz ng tatlong rescuers mula sa Navy.

Ayon naman kay Ranny Cabaluyas, corporate affairs officer ng Manila Water, nakuha ang mga ito sa main pipeline sa Irod Monte de Piedad nang magsagawa doon ng retrieval operation. Ito ay may layong 1.3 kilometers mula sa Bignay St. hanggang sa Monte de Piedad St.

Samantala, dakong alas-4:30 ng hapon nang gumawa ng butas patungo sa Sct. Catolos St. at E. Rodriguez Blvd. ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at nakuha ang katawan ni Diaz na unti-unti nang naaagnas.

Ipinaliwanag naman ni Joel Lacsamana ng Manila Water na masyadong malakas ang pressure ng tubig na tumangay kay Diaz kung kaya’t hindi agad ito nakita.

Subalit hindi na ito umabot pa sa San Juan reservoir tulad ng inaasahan ng marami. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BIGNAY ST.

CATOLOS ST.

DIAZ

DORIS FRANCHE

IROD MONTE

JOEL LACSAMANA

MANILA WATER

PHILIPPINE COAST GUARD

PIEDAD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with