15 saksak tinamo ng ginang sa adik na ka-live-in
June 4, 2003 | 12:00am
Nadakip ng pulisya ang isang adik na lalaki matapos nitong tadtarin ng saksak hanggang sa mapatay ang kanyang live-in partner dahil lamang sa hindi siya nabigyan ng pera para sa kanyang bisyo, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nakilala ang suspect na si Patrick Laurera, 21, ng 911 Lea St., Phase II, Moonwalk Village ng lunsgod na ito.
Kinilala ang biktima na namatay noon din sanhi ng tinamo nitong labing-limang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan na si Katleen Andrada.
Ayon sa ulat ng pulisya, nadakip ang suspect dakong alas-5 kamakalawa ng hapon habang ito ay lango pa sa droga ilang oras matapos na isagawa ang krimen.
Napag-alaman na bago ito, dumating sa bahay ang suspect at pilit na humihingi ng pera sa biktima para gamitin sa kanyang bisyo.
Tumanggi umano ang babae na bigyan ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Dahil dito, mabilis na kumuha ang suspect ng patalim at isinaksak nang paulit-ulit sa ka-live-in.
Ayon sa maid ng dalawa, matapos ang isinagawang krimen inutusan pa umano siya ng suspect na kumuha ng tricycle para gamitin sa pagtakas.
Gayunman sa isinagawang follow-up operation ay natunton ang kinaroroonan ng salarin na noon ay bangag pa sa droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended