^

Metro

14 pang PBA players posiitbo sa droga

-
Lalo pang tumindi ang kinakaharap na kontrobersiya ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos na lumitaw kahapon sa ipinalabas na resulta ng isinagawang confirmatory drug test na 14 pa sa kabuuang 20 manlalaro kabilang ang ilang Filipino-American na isinailalim sa pagsusuri ang positibo sa drug test.

Ang resulta ng drug test sa panibagong batch ng manlalaro ay kinumpirma ni PNP Crime Laboratory chief, Chief Supt. Restituto Mosqueda .

Gayunman tumanggi si Mosqueda na tukuyin ang pagkakakilanlan sa 14 na manlalaro na positibo sa confirmatory drug test ng PNP dahilan pawang ‘coded’ umano ang mga urine samples na ipinasa sa kanila ng DOH at bahala na ang mga opisyal ng PBA at Phil. Sports Commission (PSC) na mag-anunsiyo nito.

Sa kabila nito, ipinahiwatig ni Mosqueda na ilan sa mga positibo sa drug test ay ang mga Filipino-American.

Una rito, sa unang batch ng mga PBA players na isinalang sa confirmatory drug test ay pito ang kabuuang lumitaw na positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot na kinabibilangan nina Jun Limpot, ng Ginebra; Davon Harp ng Red Bull; Dorian Peña ng San Miguel; Noli Locsin ng Talk N Text; Ryan Bernardo ng Federal Express at ang Rookie na si Angelo "Long" David.

Nilinaw naman ng opisyal na pawang mga nauna nang lumitaw na positibo sa screen test na ginawa ng DOH ang kanilang iprinoseso sa confirmatory test.

Binanggit pa ni Mosqueda na ang iba pang urine samples ay patuloy pang isinasalang sa kaukulang pagsusuri, gayundin ang anim na iba pang natitira sa unang batch ng 11 players na sinuri kamakailan sa tanggapan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

DAVON HARP

DORIAN PE

FEDERAL EXPRESS

FILIPINO-AMERICAN

JOY CANTOS

JUN LIMPOT

MOSQUEDA

TEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with