^

Metro

Musical director, writer nilooban patay

-
Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang isang musical director at writer na pinaniniwalaang pinaslang ng grupo ng ‘akyat-bahay gang’ sa Quezon City kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Danny Holmsen, 72 , musical director at ang writer na si Norman Francisco, na kapwa naninirahan sa Harvard St., Cubao, Quezon City.

Nabatid sa ulat na may pitong oras nang patay ang dalawang biktima nang matuklasan ang naganap na krimen. Si Holmsen ay basag ang bungo, habang si Francisco naman ay nagtamo ng limang saksak sa katawan. Basag din ang bungo nito matapos paluin ng matigas na bagay .

Si Francisco ay nagkapag-contribute ng mga artikulo sa Bagong Sibol ng PSN at sa Bagong Tinta ng PM.

Lumitaw sa imbestigasyon na posibleng pinasok ng grupo ng mga suspect ang bahay ng dalawa dakong alas- dose ng hatinggabi habang natutulog ang mga biktima.

Pinaniniwalaang nagising ang dalawa kung kaya tuluyan na silang pinaslang ng mga suspect.

Hindi pa mabatid kung magkanong halaga ang nawala sa mga biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BAGONG SIBOL

BAGONG TINTA

BASAG

DANNY HOLMSEN

HARVARD ST.

NORMAN FRANCISCO

QUEZON CITY

SI FRANCISCO

SI HOLMSEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with