9-anyos pinaghinalaang espiya, tinarakan ng adik
June 3, 2003 | 12:00am
Dahil sa tamang hinala na epekto ng droga, wala sa sariling hinabol ng saksak ng isang durugista ang isang 9-anyos na bata na nasa kritikal na kondisyon ngayon, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Ginagamot ngayon sa loob ng Tondo Medical Hospital dahil sa saksak sa braso at sa likod ang biktimang si Gerard Villaflores, ng 240-C Rodriguez St., Balut, Tondo ng naturang lungsod.
Agad namang nadakip at nakaditene na sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Edgardo Labrador, 24, ng Quezon City.
Sa ulat ni SPO2 Antonio Ravarera, naganap ang insidente dakong alas-11 kahapon ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Nabatid na dumalaw ang suspect sa isang kaibigan nito na kapitbahay ng biktima at doon umiskor ng droga. Napadaan naman sa naturang bahay ang biktimang si Villaflores at naaliw na tinignan ang mga isda sa aquarium sa labas ng bahay na doon umiiskor ng droga ang suspect.
Namataan ng suspect ang bata na pinaghinalaan nitong nag-eespiya sa kanya kaya hinabol niya ito ng saksak. Nagawa namang makatakbo hanggang sa kanilang bahay ng biktima ngunit pinasok pa rin ito ng suspect at doon pinagsasaksak.
Nasakote ng taumbayan ang suspect dala ang patalim na ginamit nito sa krimen at pinagtulung-tulungang gulpihin bago isinuko sa pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended