^

Metro

LRT guards nambugbog ng mga pasahero

-
Nalalagay sa alanganin ang pitong guwardiya ng Light Rail Transit (LRT) matapos umanong mambugbog ng mga pasahero.

Sa reklamo sa Pasay police ni Haskel Leyva, empleyado ng Philippine Arilines, naganap ang insidente noong gabi ng Mayo 15, 2003 sa LRT-Baclaran station. Pauwi na siya noon kasama ang dalawa pang kasamahan sa trabaho na sina Doods Bautista at Renato Exequiel para habulin ang last trip.

Nasa aktong ihuhulog na nila ang kanilang magnetic card ng biglang lapitan ng sekyu na nakilala sa pangalang A. T. Suarez at aroganteng pinagsabihan ang tatlo na sarado na at wala ng darating na tren. Sumunod naman ang tatlo pero ipinaalam nila kay Suarez na alas-8:50 pa lang ng gabi at mayroon na naman silang tiket.

Bigla umanong nag-init si Suarez at hinampas ang lamesa saka sumigaw at nagmura na nakakuha naman ng atensiyon ng mga kasamahang guwardiya. Dito na nagsimula ang komosyon at agad umanong pinaghahampas ni Suarez ng knight stick sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Leyva. Tumulong din sa pananakit ang dalawang lady guard na nakilala lamang sa mga apelyidong Garais at Paule. Isa umano dito ang nagtangka pang ibaba ang rehas na gate at mabuti na lamang anya at nahila ng kanyang mga kasama si Leyva na noo’y lugmok na.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Leyva, habang sina Exequiel at Bautista na umawat ay nagtamo lamang ng bahagyang pasa matapos sanggain ang mga palo para sa kasamang si Leyva. Isinugod sa Pasay City General Hospital si Leyva dahil sa tindi ng tinamong mga tama sa ulo.

Kinondena ni Leyva ang inasal na ito ng mga guwardiya ng LRT. Hindi umano ganito ang dapat na maging trato ng mga sekyu sa riding public. Kung nagawa nila ito kay Leyva ay di anya malayong gawin rin nila ito sa iba pang pasahero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

DOODS BAUTISTA

HASKEL LEYVA

LEYVA

LIGHT RAIL TRANSIT

LORDETH BONILLA

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PHILIPPINE ARILINES

RENATO EXEQUIEL

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with