Nagtalo sa trapik: Sarhento binaril ng tinyente
June 2, 2003 | 12:00am
Isang opisyal ng Philippine Army (PA) ang nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide matapos nitong barilin ang isang sarhento na kanyang nakagitgitan sa trapiko noong Huwebes sa bayan ng Taguig.
Nasa custody ngayon ng Provost Marshall ng AFP ang suspect na nakilalang si 1st Lieutenant Ulysses Laude na nakatalaga sa 141B, 8IB, P.A. sa Fort Bonifacio ng naturang bayan.
Ginagamot naman sa Fort Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Sgt. Niel Guavino, miyembro din ng P.A. matapos na magtamo ng tama ng kalibre 45 ng baril sa katawan.
Hiniling naman ng asawa ng biktima na si Jessie Jasmine Guavino na ilipat sa custody ng pulisya ang suspect sa takot na magkaroon ng whitewash sa kaso.
Aniya, police matter ang kaso kung kayat dapat lamang na pulis din ang magbantay sa suspect na isang opisyal P.A.
Batay sa rekord ng pulisya, nagkagitgitan ang suspect at ang biktima sa trapiko noong Huwebes.
Bigla umanong nagalit ang suspect kung kayat binaril nito ang biktima at mabilis na tumakas matapos ang insidente. Subalit sumuko ito noong Biyernes sa Provost Marshall ng AFP. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended