Hepe ng PNP Galas, SIID sinibak sa puwesto
June 2, 2003 | 12:00am
Sinibak sa puwesto ni Central Police District director Chief Supt. Napoleon Castro ang hepe ng Galas Station at Investigation Chief nito matapos masangkot sa isyu ng pangingikil sa isang negosyanteng Intsik sa Quezon City.
Sina Supt. Manuel Roxas, station commander ng Galas at Sr. Insp. Mauro Manahan, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ay sinibak sa puwesto bunga ng ulat ng panghihingi ng pera sa isang negosyante na kanilang hinuli kamakailan.
Itinalaga naman ni Castro si Sr. Supt. Renato Balebia bilang OIC ng Galas Station kasabay ng kautusang isailalim sa imbestigasyon ang lahat ng pulis na nakatalaga dito upang malaman kung sinu-sino ang dapat na tanggalin sa tungkulin.
Batay sa nakalap na impormasyon, hinuli ng mga pulis-Galas ang isang delivery van noong Biyernes at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.
Pinauwi ng mga pulis ang driver ng van upang ipaalam sa amo nito na kailangang tubusin ang van na naglalaman ng P1 milyong halaga ng cellphones at computer.
Dahil dito, hinikayat din ni Castro ang may-ari ng van na pormal na magharap ng reklamo laban sa mga pulis na nangha-harass at nangingikil.
Ipinaliwanag din ni Castro na bukod sa pangingikil, may natatanggap din siyang reklamo na ang mga nasabing pulis ay sangkot sa pagpapatakas ng isang drug pusher. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended