Pananim sinalanta ng bagyo, magsasaka nagbigti
June 1, 2003 | 12:00am
Hinihinalang dahil sa pagkabaon sa utang matapos na masalanta ang mga pananim sa probinsiya ang dahilan ng ginawang pagpapakamatay ng isang magsasaka na dumalaw sa kanyang mga kamag-anak kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Samuel Dasalla, 44, ng Cordon, Isabela.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nabatid na nadiskubre ang naturang pagbibigti ni Dasalla dakong alas-7 ng umaga ng pamangking si Von Jasper ng PNR Compound, Batangas St., Tondo, Manila.
Ayon sa ulat dumating buhat sa Isabela ang nasawi kamakalawa at tumuloy sa kanyang kapatid na si Grema Endrada.
Bago naganap ang pagpapakamatay ay nabanggit pa umano nito sa kanyang bayaw na si Geraldo na baon na siya sa utang at sumabay pa umano ng masalanta ng bagyo ang kanyang mga pananim.
Kahapon ng umaga ay nakita na itong nakabitin sa kisame ng bahay at ang tali ng kanyang mga bagahe ang ginamit nito sa pagbibigti. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended