^

Metro

Amok: 1 patay, 1 kritikal

-
Isa ang nasawi, samantalang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagtatagain ng dalawang lalaki na nag-amok, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Marcos Mercado, 41, ng 100 Lilac St., Barangay Fairview, Quezon City habang inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center ang kaibigan nitong si Arturo Baluran, 17, binata, ng nabanggit ding barangay.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspect at isa dito ay nakilalang si Brando Cerabia, habang inaalam pa ang pangalan ng kasamahan nito.

Batay sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi habang naglalakad sa naturang lugar ang mga biktima.

Bigla na lamang nagsisigaw ang dalawang suspect na kapwa may hawak ng patalim at walang kaabug-abog na hinabol ng saksak ang mga biktima.

Hindi naman mabatid kung ano ang dahilan nang pagwawala ng mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARTURO BALURAN

BARANGAY FAIRVIEW

BATAY

BIGLA

BRANDO CERABIA

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LILAC ST.

MARCOS MERCADO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with