^

Metro

3 pulis kinasuhan ng extortion

-
Tatlong pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Manila at isang opisyal ng People’s Law Enforcement Board ang posibleng masibak sa tungkulin matapos na kasuhan ng direct at indirect bribery ng may-ari ng isang gay bar dahil sa pangongolekta ng lingguhang protection money.

Ang mga kaso ay isinampa kahapon sa Manila Prosecutor’s Office ni Enrico Espinosa laban sa mga pulis na sina PO3 Roberto Chua; PO2s Larry Javier at Bayani Neri at Teddy Remandaban ng PLEB Manila.

Sa kanyang testimonya sa korte, nabatid na nakipagkita si Espinosa kay Remandaban noong nakaraang Pebrero kung saan napagkasunduan ang pagbibigay niya ng P60,000 goodwill money sa mga pulis para makapag-operate ang pag-aari niyang Eros Bar and Restaurant nang walang raid sa mga awtoridad.

Nagkasundo rin na magbibigay si Espinosa ng P7,500 weekly money para kay Javier. Bukod dito magbibigay rin umano siya ng P1,000 kay Chua at tig-P500 kina Remandaban at Neri.

Noong Mayo 9 at 16, nakapaglagak lang si Espinosa sa bank account ni Javier ng P6,000 at 5,500 dahil sa problema sa negosyo na ikinagalit ng pulis.

Binalaan umano siya nito na ire-raid ang kanyang gay bar kapag hindi nabayaran ang mga kulang sa loob ng tatlong araw.

Hindi naman ito nagawang punan ni Espinosa kaya nagsagawa ng raid sina Chua sa naturang establisimento noong Mayo 23 ngunit masuwerte namang nakalabas si Espinosa kaya hindi siya naaresto.

Tinawagan pa umano siya ng mga pulis na magbigay ng P60,000 na hindi niya nakayanan kaya itinuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naaresto niyang empleyado. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAYANI NERI

CHUA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

ENRICO ESPINOSA

EROS BAR AND RESTAURANT

ESPINOSA

JAVIER

LARRY JAVIER

LAW ENFORCEMENT BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with