WPD cop lasug-lasog sa natagpuang bomba
May 29, 2003 | 12:00am
Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang pulis matapos na diretsang masabugan ng bomba na kanyang tinangkang itali at buhatin papalayo sa mataong lugar, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Namatay noon din ang biktimang nakilalang si PO3 Joseph Abraham, 27, miyembro ng Western Police District-Tactical Operations Center (WPD-TOC).
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa harap ng isang sari-sari store sa may #440 Gate 20 Area H. Parola Tondo, Maynila.
Papasok na sa trabaho sa panggabing duty ang biktima nang ituro sa kanya ng mga residente ang pinaghihinalaang kahon na naglalaman ng naturang bomba.
Nang makumpirmang bomba, umuwi muna ng bahay ang pulis at bumalik dala ang isang masking tape.
Dito tinangkang i-tape ng pulis ang naturang bomba upang mabitbit papalayo sa mataong lugar ngunit hindi nito inaasahan ang biglang pagsabog nito sa kanyang katawan.
Masuwerte namang walang ibang nadamay sa naturang insidente.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang posibleng nag-iwan ng bomba sa naturang lugar at kung ano ang maaaring motibo nito.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am