^

Metro

Mga taong may kapansanan iginiit sa pribadong sektor

-
Iginiit kahapon ng isang mambabatas na madaliin ang pagpasa ng isang panukala na gagawing mandatory ang pagkuha ng pribadong sektor sa serbisyo ng mga taong may kapansanan.

Sinabi ni Pampanga Rep. Francis Nepomuceno, awtor ng panukala, may mga kompanyang tumatangging kuhain ang serbisyo ng isang indibidwal kung ito ay mayroong kapansanan.

Dapat na aniyang amyendahan ang Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga may kapansanan na makapagtrabaho sa pribadong sektor.

Sa panukala ni Nepomuceno, sasailalim sa apprenticeship program ang mga disabled person kung saan bibigyan sila ng incentives ng kanilang mga employers.

Lumalabas aniyang inutil ang RA 7277 dahil marami pa ring employers ang tumatanggi sa pagkuha ng serbisyo ng mga may kapansanan kahit mayroon naman silang skills.

Sa ilalim ng House Bill 124, gagawing mandatory sa lahat ng kompanya na ang 3% ng kanilang total workforce ay mga disabled persons.

Bibigyan naman ng tax deduction ang mga kompanyang susunod sa kautusan bilang incentives. (Ulat ni Malou R. Escudero)

vuukle comment

BIBIGYAN

DAPAT

DISABLED PERSONS

FRANCIS NEPOMUCENO

HOUSE BILL

MAGNA CARTA

MALOU R

PAMPANGA REP

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with