^

Metro

Mensahero pumalag sa holdap binoga, patay

-
Buhay ang ibinuwis ng isang mensahero para maproteksiyunan ang dala niyang kalahating milyong piso matapos barilin siya ng isa sa tatlong holdaper na humarang sa kanya, kahapon ng umaga sa Maynila.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang nakilalang si Antonio Jeramos, 56, mensahero ng Lorenzo J. Cruz Group of Restaurant sa may Remedios corner Adriatico, Malate ng naturang lungsod.

Pinatatakbo ng naturang kompanya ang Cafe Adriatico, Cafe Habata, In the Mood, Bistro Remedios at Mil Nueve Sientos.

Sa ulat ng WPD Homicide Division, naganap ang krimen dakong alas-9:30 kahapon ng umaga sa may harap ng Malate KTV sa Remedios St. sa Malate.

Ayon kay Virginia Abainza, accountant ng naturang kompanya na inutusan umano nila si Jeramos na magdeposito sa Hongkong Shanghai Bank ng koleksyon ng lima nilang restaurant sa loob ng tatlong araw na nagkakahalaga ng P500,000.

Dala ang naturang halaga ng salapi na nasa loob ng isang beltbag, naglalakad na patungo sa naturang bangko sa hindi kalayuan ang biktima nang harangin ng tatlong suspect sakay ng isang motorsiklo.

Agad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect ang biktima at sapilitang hinablot ang dala nitong bag, gayunman tinangka ng biktima na makipag-agawan sa mga suspect kaya siya tuluyang binaril ng isa sa mga ito.

Sinabi ni Abaiza na regular umano na nagdedeposito ng naturang malaking halaga ang biktima kaya malamang na napag-aralan na ng mga suspect ang ruta nito. Hindi rin umano gumamit ng company van ang biktima kaya mas napadali ang panghoholdap dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO JERAMOS

BISTRO REMEDIOS

CAFE ADRIATICO

CAFE HABATA

CRUZ GROUP OF RESTAURANT

DANILO GARCIA

HOMICIDE DIVISION

HONGKONG SHANGHAI BANK

IN THE MOOD

LORENZO J

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with