Pamilya minasaker ng 'Akyta Bahay'
May 27, 2003 | 12:00am
Kapwa nasawi ang isang mag-asawa, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kanilang ampon makaraang pagsasaksakin at paghahatawin ng tubo ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihang hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay Gang sa kasagsagan ng ulan, kahapon ng umaga sa bayan ng Taguig.
Nasawi noon din sa pinangyarihan ng krimen ang mag-asawang biktima na sina Florencio at Fe Dimaguila, kapwa 48-anyos at naninirahan sa 44 Dr. Natividad Avenue, Barangay Napindan ng bayang nabanggit.
Samantala, nasa kritikal pa ring kondisyon sa Rizal Medical Center ang kanilang ampon na si Jioia Pama, 13 na nagtamo ng saksak sa leeg at hinataw pa ng tubo sa mukha.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect dala pa ang ilang kagamitan ng mga biktima matapos ang isinagawang krimen.
Ayon kay PO1 Rollie Concepcion, ng Block 5, ng Taguig Police naganap ang insidente dakong alas-11:15 kahapon ng umaga sa loob ng bahay ng mga biktima.
Pagnanakaw ang isa sa pinakamalapit na motibong sinisiyasat ng pulisya dahil may mga nawawalang mahahalagang kagamitan at pera ang mga biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang masusing imbestigasyon ukol sa naganap na krimen.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended