^

Metro

7 miyembro ng Laglag Barya Gang, timbog

-
Pitong miyembro ng Laglag Barya Gang ang bumagsak sa mga kamay ng Mandaluyong police matapos na mahuli sa aktong dinudukutan ang isang pasahero ng bus kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Mandaluyong.

Nakilala ang mga suspect na sina Gerry Santos, 31; Jeffrey Garcia, 23; Jeffrey Nodis, 21;Jeffrey Mijares, 28; Manolito Arciaga, 35, Fernando Sagusara, 31 at isang nakilala lamang sa pangalang Jojo na pawang mga residente ng Vic-Per Brgy. Molinao Pasig City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na sakay ng isang bus patungong Baclaran ang mga suspect dakong alas- 2 ng madaling-araw.

Isa sa mga suspect ang naglaglag ng barya sa harapan ng isang pasahero at habang nakayuko ang biktima, agad namang kinuha ng dalawa pa sa mga suspect ang cellphone na 5110 nito.

Pumalag ang biktima hanggang sa magkagulo sa loob ng bus na nakita naman ng mga nagpapatrolyang pulis sa tapat ng Polymedic Hospital.

Agad namang nasakote ang pitong suspect na matagal ng wanted sa kasong robbery. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

FERNANDO SAGUSARA

GEMMA AMARGO

GERRY SANTOS

JEFFREY GARCIA

JEFFREY MIJARES

JEFFREY NODIS

LAGLAG BARYA GANG

MANDALUYONG

MANOLITO ARCIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with