^

Metro

3 bata patay, 15 grabe sa tigdas outbreak

-
Tatlong sanggol ang nasawi habang 15 iba pa ang nakaratay matapos na dapuan ng sakit na tigdas sa isang lugar sa Sitio Ruby, Quezon City.

Batay sa nakalap na impormasyon, kumalat ang nasabing sakit sa lugar sa loob lamang ng isang linggo.

Nabatid na 11 buwang gulang ang pinakamatanda sa mga namatay sa tigdas sa Far Eastern University Medical Center sa Fairview habang 15 pa ang inoobserbahan sa naturang ospital at sa kanilang mga tahanan.

Ayon naman kay QC Mayor Feliciano Belmonte Jr., may pagkukulang ang ilang residente ng Sitio Ruby dahil hindi man lamang pinabakunahan ng mga ito ang kanilang anak nang magbahay-bahay ang mga health workers laban sa pagkalat ng nasabing sakit.

Mariin umano ang pagtanggi ng mga residente na mabigyan sila ng libreng bakuna kung kaya’t posibleng ito ang naging ulat ng pagkalat ng tigdas.

Dahil dito, agad na bumuo ng medical team si Belmonte na pinamumunuan ni City Health Office Chief Dr. Paz Ugalde upang agad na mabigyan ng sapat na bakuna ang iba pang mga sanggol at maiwasan na ang pagdami pa ng kaso ng namatay sa tigdas.

Inirerekomenda din ni Belmonte sa mga residente ng Sitio Ruby na dalhin na ang kanilang mga may sakit na anak sa East Avenue Medical Center at San Lazaro upang agad na magamot.

Idinagdag pa ni Belmonte na kailangang mabigyan ang sapat na proteksyon ang mga sanggol lalo pa’t paparating na ang tag-ulan. (Ulat ni Doris Franche)

BELMONTE

DORIS FRANCHE

DR. PAZ UGALDE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FAR EASTERN UNIVERSITY MEDICAL CENTER

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

QUEZON CITY

SAN LAZARO

SITIO RUBY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with