^

Metro

Vendor hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo

-
Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang 42 anyos na vendor makaraang mapatunayang nagkasala ng kasong pagpatay sa kanyang kapitbahay sa isang fiesta celebration noong 2001.

Kasabay nito, inatasan din ni QCRTC Judge Jose Catral Mendoza ng Branch 219 ang akusadong si Nestor Reyes ng Escopa 4, Libis, Q.C. na bayaran ang mga naulila ng biktimang si Joseph Invencion ng halagang P1.2 milyon bilang danyos.

Batay sa pitong pahinang desisyon ng korte, may sapat na ebidensiya upang patawan ng habambuhay na pagkabilanggo si Reyes bunga ng pagpatay kay Invencion noong Mayo 1, 2001. Isa pang suspect na si Ariel Reyes, pinsan ni Nestor ang pinaghahanap pa ng pulisya.

Nag-ugat ang insidente nang magsumbong si Ariel kay Nestor na naka-alitan ni Invencion hanggang humantong sa saksakan.

Ibinasura din ng korte ang alegasyon ng akusado na self defense ang nangyaring pagpatay kay Invencion. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ARIEL REYES

BATAY

CRUZ

ESCOPA

INVENCION

JOSEPH INVENCION

JUDGE JOSE CATRAL MENDOZA

NESTOR REYES

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with