^

Metro

Opisyal at tauhan ng QCJ nasa 'hot water'

-
Nalalagay ngayon sa "hot water" ang pamunuan ng Quezon City Jail makaraang magsampa ng reklamo ang Korean Embassy hinggil sa umano’y pambubugbog ng ilang jailguards sa presong Koreano at 12 iba pa noong Martes ng gabi sa loob ng naturang piitan.

Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-9 noong Martes nang makipagtalo sina Bong Ko Chun, 10 Chinese at dalawang Taiwanese sa mga mayayamang presong dayuhan din.

Nagsimula ang gulo sa agawan ng mga ito sa lutuan.

Nagsumbong ang mga mayayamang foreigner sa mga jailguards na naging dahilan upang ipatawag ng tatlong jailguard sina Chun at 12 iba pa.

Dinala sila ng mga jailguards sa likod ng chapel at doon ay tinakpan ang mukha at 40 minutong ginulpi.

Bunga nito, nagsumbong kay Korean Vice Consul Kim Hong Ki si Chun kung kaya’t nagtungo ito sa QCJ.

Ayon kay Ki, inihahanda nila ang isasampang kaso sa Department of Justice laban kay QC Jailwarden Supt. Gilberto Marpuri at sa mga jailguards nito.

Pilit namang kinuhanan ng pahayag si Marpuri subalit wala ito sa kanyang tanggapan. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BATAY

BONG KO CHUN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

GILBERTO MARPURI

JAILWARDEN SUPT

KOREAN EMBASSY

KOREAN VICE CONSUL KIM HONG KI

QUEZON CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with