Traffic enforcers tiklo sa kotong
May 22, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng DILG Task Force Jericho ang isang "kotong" na traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos isagawa ang entrapment operation, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Nakilala ang nadakip na si Rommel Guinto, 35, may asawa, ng #986 Sunnyville St., Parkplace Subd., Cainta, Rizal.
Si Guinto ay inireklamo ng jeepney driver na si Jerico Marin, 26, na umanoy hinihingan nito ng P2,000 bunsod ng kolorum na jeep ng huli.
Nakiusap si Marin na ibaba na lamang sa P1,000 subalit tumanggi si Guinto hanggang sa isagawa ang entrapment sa loob ng Tropical Food Court sa Sta. Lucia Mall, Marikina City kahapon dakong ala-1:30 ng hapon.
Agad na dinakma ng DILG TJ-Jericho si Guinto nang tinatanggap na nito ang marked money.
Ito ay sasampahan ng robbery at extortion sa Marikina City Prosecutors Office. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended