Consultant ng DILG, natagpuang patay
May 21, 2003 | 12:00am
Naaagnas na ang katawan ng isang consultant ni DILG Secretary Joey Lina nang matagpuan ito sa loob ng kanyang bahay, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang naturang biktima na si Allan Santos, 51, binata, consultant for housing ng DILG at residente ng 2418 Yangco St., Tondo, Manila.
Sa ulat ng pulisya natagpuan ang bangkay dakong alas-8:15 ng umaga ni Vincent Pimentel, 21, security guard at kasambahay ng biktima.
Ayon kay Pimentel, huling nakita umano niyang buhay ang biktima noong nakaraang Biyernes matapos na umalis siya sa bahay upang pumasok sa kanyang duty bilang guwardiya.
Dahil sa stay-in sa trabaho, kahapon lamang umano siya bumalik sa bahay ngunit pa-akyat pa lamang siya sa hagdanan ay nalanghap na niya ang mabahong amoy. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang bangkay ni Santos.
Sinabi pa ni Pimentel na madalas umanong idinadaing ng biktima ang pananakit ng kanyang dibdib ngunit hindi naman ito nagpapakonsulta sa doktor. Posible umanong inatake sa puso ang biktima habang wala itong kasama sa bahay na naging sanhi ng kamatayan nito.
Gayunman, nagsasagawa pa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play makaraang makitang nakababa ang brief nito nang madiskubre ang kanyang bangkay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended