^

Metro

Maiingay na sasakyan, lagot kay BF

-
Planong ipagbawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang sobrang ingay ang makina at sobrang lakas ang busina dahil nagiging sanhi umano ito ng noise pollution.

Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando na aarestuhin ang sinumang lalabag dito.

Nakasaad sa naturang ordinansa na bukod sa pagkaaresto ay pagmumultahin din ang sinumang lalabag sa kautusang ito.

Kaugnay nito, ipapatupad ng MMDA ang standard na tunog ng makina at busina ng mga sasakyan, dahil ang mga sobrang ingay ay nakakaapekto sa pandinig ng publiko.

Layunin din ng naturang ordinansa na masupil ang drag race na kadalasang ginagawa ng ilang mga kabataang mula sa mayayamang pamilya na kadalasan namang pinagmumulan ng mga aksidente.

Magtatalaga ang MMDA ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan upang i-monitor ang mga sasakyang sobrang ingay ang makina at busina. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BAYANI FERNANDO

KAUGNAY

LAYUNIN

LORDETH BONILLA

MAGTATALAGA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAKASAAD

PLANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with