^

Metro

Hospital arrest ni Strunk, ok sa DOJ

-
Payag ang Department of Justice (DOJ) sa kahilingang mailagay sa hospital arrest ang akusado sa Nida Blanca murder na si Roger "Rod" Lauren Strunk.

Sinabi ni Justice Undersecretary at DOJ Spokesperson Merceditas Gutierrez na wala silang nakikitang anumang balakid sakaling isailalim si Strunk sa hospital arrest habang isinusulong ang extradition proceedings dito.

Ikinatuwiran ng DOJ na ang kanilang magiging pasya at base na rin sa pagiging makatao at ikinukonsidera na rin nila ang kalusugan ng nasabing akusado na nagtataglay ng sakit na diabetes.

Subalit iginiit ni Gutierrez na dapat matiyak ng pamahalaan ng Estados Unidos na hindi makakatakas si Strunk sa pagamutan na paglalagyan dito upang hindi maantala ang pagpapabalik dito sa Pilipinas.

Samantala, tiniyak din nito na ibabasura lamang ng hukuman sa Estados Unidos ang inihain nitong ‘petition for bail’ para sa pansamantalang kalayaan nito habang wala pang desisyon sa kasong extradition.

Patuloy umanong makikipag-ugnayan ang DOJ sa kanilang US counterpart upang manatili silang updated sa itinatakbo ng extradition case laban kay Strunk. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

IKINATUWIRAN

JUSTICE UNDERSECRETARY

LAUREN STRUNK

NIDA BLANCA

PATULOY

SPOKESPERSON MERCEDITAS GUTIERREZ

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with