^

Metro

Inmate todas sa kapwa preso

-
Isang inmate ang nasawi matapos na burdahan ng saksak ng isa nitong kasamahang bilanggo dahilan sa mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa loob ng Rehabilitation Center, Camp Bagong Diwa, Taguig.

Hindi na umabot ng buhay sa Sabile Hospital ang biktimang kinilalang si Meynard Rubian, 42, dahilan sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang improvised na patalim.

Kinilala naman ang suspect na si Charlie Ramirez, nasa hustong gulang.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Salopagio ng Criminal Investigation Division (CID) ng Taguig Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng Rehabilitation Center ng Camp Bagong Diwa.

Nabatid na kapwa nakakulong ang biktima at ang suspect sa nabanggit na piitan kung saan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa matukoy na isyu sa pagitan ng dalawa na humantong sa trahedya.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CAMP BAGONG DIWA

CHARLIE RAMIREZ

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DENNIS SALOPAGIO

ISANG

LORDETH BONILLA

MEYNARD RUBIAN

REHABILITATION CENTER

SABILE HOSPITAL

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with