Bangkay nasa pipeline ng Manila Water
May 19, 2003 | 12:00am
Pinangangambahang malason ng kontaminadong tubig ang mga residente ng Metro Manila makaraang mabulgar na may isang bangkay ng lalaki ang lumulutang dito nang aksidenteng mahulog sa ventilation chamber ng main pipeline ng Manila Water sa Escopa, Project 2, Quezon City.
Sa naantalang ulat, nabatid na dakong alas-2:40 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktimang kinilalang si Randy Diaz, 19, residente ng #115 Bignay St., Escopa, Project 2 ng lungsod Quezon.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nanunungkit ang biktima ng mga hinog na bunga ng santol kasama ang ilang kabataan nang biglang mabakli ang kanyang tinutuntungang kahoy sa bunganga ng Manila Waters main pipeline ventilation chamber.
Ayon sa ilang mga nakasaksi, nagmistulang bola ng basketball ang biktima nang ma-shoot sa dambuhalang tubo na malakas ang agos na tumangay rito na nangyari kamakailan.
Sinabi ni MW Communication Director Jose Lacsaman, posibleng ipahinto ang serbisyo ng Manila Waters sa malaking bahagi ng Metro Manila habang hinahanap pa ang kinaroroonan ng labi ni Randy upang linisin muna ang tubig na kanilang isiniserbisyo sa mamamayan. (Ulat ni Cesar Cezar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest