Ang mga bilanggo na humigit-kumulang sa 20 ay nakapiit sa Minimum Security Compound ng NBP, Camp Sampaguita kung saan ang karamihan sa mga ito ay pawang mga youth offender.
Nabatid na ang grupong ito ay tinaguriang "Tanghalang Munti" ay sasabak sa theater art bilang bahagi ng education program ng Bureau of Corrections.
Sa kabila na sila ay nahatulan na ng korte at napiit sa rehas na bakal ay binibigyan pa rin sila ng pagkakataon na matuto at magkaroon ng edukasyon.
Nabatid na ang naturang grupo ng mga bilanggo ay nakapagtanghal na kamakailan sa Lipa City, University of Santo Tomas na inaprubahan ng DOJ at nakatakda namang magtanghal sa mga negosyante sa Makati sa mga susunod na araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)