^

Metro

Mga bilanggo sa Munti artista na rin

-
Isang grupo ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nakatakdang mag-aral ng theater art para lalong mahasa sa pagkanta at pag-arte sa mga lugar na kanilang tinatanghalan, lalo’t higit maging isang libangan para maiwasan ang kaguluhan sa naturang kulungan.

Ang mga bilanggo na humigit-kumulang sa 20 ay nakapiit sa Minimum Security Compound ng NBP, Camp Sampaguita kung saan ang karamihan sa mga ito ay pawang mga youth offender.

Nabatid na ang grupong ito ay tinaguriang "Tanghalang Munti" ay sasabak sa theater art bilang bahagi ng education program ng Bureau of Corrections.

Sa kabila na sila ay nahatulan na ng korte at napiit sa rehas na bakal ay binibigyan pa rin sila ng pagkakataon na matuto at magkaroon ng edukasyon.

Nabatid na ang naturang grupo ng mga bilanggo ay nakapagtanghal na kamakailan sa Lipa City, University of Santo Tomas na inaprubahan ng DOJ at nakatakda namang magtanghal sa mga negosyante sa Makati sa mga susunod na araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

CAMP SAMPAGUITA

LIPA CITY

LORDETH BONILLA

MINIMUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NEW BILIBID PRISON

TANGHALANG MUNTI

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with