^

Metro

Trader na Tsinoy kinidnap

-
Isang Fil-Chinese trader ang dinukot ng tatlong lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril sa loob ng kanyang electronic shop kahapon ng umaga sa Pasay City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pagdukot ng mga suspect sa biktima na si Baby Tan-Ongson, 50, negosyante at residente ng nasabing lungsod.

Base sa sketchy report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:50 ng umaga kahapon sa loob ng Triac Electronic Shop na pag-aari ng biktima na matatagpuan sa panulukan ng Taft Avenue at Protacio St., Pasay City.

Nabatid na kasalukuyang pumipirma ng mga papeles ang biktima nang bulagain ng pumasok na mga suspect at tutukan ng Uzi at M-16 rifle. Sapilitan umanong tinangay ng mga suspect ang biktima at isinakay sa kulay gold na Honda CRV (XDR-800) na pag-aari ng biktima na siyang ginamit sa pagtakas.

Kaagad naman na nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga anak ng biktima matapos ipagbigay-alam sa mga nagpapatrulyang pulis ang naturang insidente.

Inabutan ng pulisya ang mga suspect sa panulukan ng Protacio at Zamora Sts. sa Pasay City. Matapos ang mahabang habulan ay bigla na lamang nawala ang sasakyan ng mga suspect dahil nagawang mailigaw ang mga operatiba pagsapit sa Bicutan Interchange. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BABY TAN-ONGSON

BICUTAN INTERCHANGE

ISANG FIL-CHINESE

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PROTACIO ST.

TAFT AVENUE

TRIAC ELECTRONIC SHOP

ZAMORA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with